Tulad din ng mga aninong ito, maghapong nag-iisip nang isasalubong sa gabi. Aswang daw kasi ako, pala-isip ng ipaparaos sa magdamag, saka pa lang maghahanap ng pag-ibig, ng pagkakataon pang umasa.
Paborito ko ang lasa ng Disyembre. Parang kahapon lang- magdamag walang araw, walang inaalalang kulay na kukutya sa mga bulag na mata. Nung Lunes lang, nagbakasakali ako padakong Kalentong. May lugar doon na malimit kong dalawin, mga tulad ko ring anino- mapanghiram ng baka sakali.
Huling linggo ng buwan, lagi kaming pumapagawi roon. Marami na rin ang nagkasakit. Bahagya ko na rin nakikilala ang mga mukhang napagawi nito lang, lalo na’t hindi madali para sa aninong walang maangking espasyo na mabawian ng oras. Malungkot. Marami kang maaalalang di dapat. Masaklap pa, wala ka ng mapuntahan.
Marami nang nagbago. Mistulang may sakit na rin ang mga oras, matamlay, kahit pa nagpupumilit magsaya. Dyan kami nagsimula noon, kaming anino ang tawag- oo, sa mga oras, sa mga di-maibahaging pagpipitagan magkaron lang ng ngalan.
Malay mo, sa tulong mo na rin, may mapuntahan na kami. Baka lang. Happy new year tawag nyo dito. May you all rest in peace (lol)